NBI, inatasang imbestigahan na rin ang lahat ng mga inisyung fake at irregular birth certificates sa mga dayuhan

Inatasan ni Senator Sherwin Gatchalian ang National Bureau of Investigation (NBI) na gawing tuluy-tuloy ang imbestigasyon sa pag-iisyu ng mga peke at irregular na birth certificates sa mga dayuhan.

Giit ni Gatchalian, hindi lang dapat tumigil ang NBI sa pagkakadiskubre sa birth certificate ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo lalo’t tiyak na marami pang kahalintulad nito na kaso.

Umapela rin ang senador na hindi rin dapat matitigil ang NBI sa pagkakatuklas ng 1,051 birth certificates sa Sta. Cruz, Davao del Sur na mga late registrants at mahigit 50 pa rito ay puro mga dayuhan na wala namang idinedeklarang Pilipinong magulang.


Naniniwala si Gatchalian na tiyak na nangyayari ito sa iba pang bahagi ng bansa kaya dapat lang na siyasatin.

Idiniin pa nito na ang mga birth certificate ay nagagamit ng mga dayuhan sa pagkuha ng Philippine passport, National ID at pagbili ng property.

Facebook Comments