Naghahanda na ang National Bureau of Investigation (NBI) na maghain ng reklamo laban sa mga opisyal ng Kapa-Community Ministry International kasunod ng mga ikinasang raid sa kanilang mga opisina.
Ayon kay NBI Deputy Director for Regional Operation Service Antonio Pagatpat – 14 na teams ang sumalakay sa 14 na opisina ng religious organization base sa search warrants na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) dahil sa paglabag sa Securities Corporation Code of the Philippines.
Nakapagkumpiska rin ang NBI ng 2.2 million pesos at 300,000 pesos sa dalawang magkahiwalay na opisina.
Dagdag pa ni Pagatpat, ang mga sangkot sa investment scam ay posible ring maharap sa large scale estafa.
Ang 14 na opisina ng Kapa na sinalakay ng NBI ay non-operational at ipinasara na.
Lumalabas din sa kanilang imbestigasyon na humihingi ang mga lider ng grupo ng donasyon na hindi bababa sa 5,000 pesos kung saan may 30% interest return.