NBI, inihahanda na ang reklamo laban sa Kapa

Inihahanda na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isasampang criminal complaint laban sa Kapa-Community Ministry International Inc. dahil sa pagkakasangkot sa investment scam.

Ayon kay NBI-NCR Regional Director Cesar Bacani – tinatalakay na kung kailan ihahain ang reklamo gayung nakapagsampa na ang Securities and Exchange Commission (SEC).

Base sa complaint na isinampa sa Department of Justice (DOJ), inaakusahan ng SEC ang Kapa ng paglabag sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code.


Kabilang sa mga respondents ay ang founder ng Kapa na si pastor Joel Apolinario, Margie Danao, Reyna Apolinario, Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan.

Sa ilalim ng scheme, hinihikayat ng Kapa ang publiko na mag-‘donate’ ng nasa 10,000 pesos kapalit ang 30% na buwanang ‘blessing’ o ‘love gift.’

Facebook Comments