NBI, iniimbestigahan na ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa pamamahagi ng ayuda ng DSWD

Humingi na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa pamamahagi ng ayuda.

Ito ay matapos dagsain ang tanggapan ng DSWD-National Capital Region sa lungsod ng Maynila ng mga gustong mag-apply para maging benepisyaryo sa Sustainable Livelihood Program (SLP) at makakuha ng P10,000 na ayuda.

Ayon kay DSWD officer-in-charge Usec. Eduardo Punay, pina-iimbestigahan na nila sa NBI-Anti Cybercrime ang mga nasa likod at nagpakalat ng mga text message at gumawa ng pekeng Facebook account hinggil sa maling impormasyon.


Paglilinaw ng opisyal, wala silang ganoong aplikasyon at hindi pa sila namimigay ng ayuda sa ngayon.

Facebook Comments