NBI, inilunsad ang online clearance renewal at delivery service

Maaaring i-renew ng publiko ang kanilang National Bureau of Investigation (NBI) clearance na hindi kailangang umalis sa kanilang mga bahay.

Ang mga aplikante para sa NBI Clearance ay maaaring mag-renew at magbayad ng kinakailangang fees sa pamamagitan ng pag-access sa kanilang website: clearance.nbi.gov.oh

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, bibigyan ng opsyon ang aplikante kung personal na kukunin ang dokumento mula sa NBI Clearance Center, magtalaga ng taong kukuha nito, o i-avail ang door-to-door delivery service.


Ang mga aplikanteng pipili ng delivery service ay inaasahang darating sa kanilang ang NBI Clearance sa loob ng tatlo hanggang pitong araw sa Metro Manila at Luzon at 10 araw naman sa Visayas at Mindanao.

Ang mga taong makakakuha ng “hit” status ay kailangang pumunta sa NBI office para i-verify kung siya ba ang taong mayroong criminal record.

Pagtitiyak ng NBI sa publiko na ang mga impormasyong ibinigay sa kanila ay ligtas.

Facebook Comments