NBI Isabela, Tiwalang maibabalik ang Magandang imahe ng Philhealth

54

Cauayan City, Isabela- Inihalimbawa ni Provincial Director Timoteo Rejano ng National Bureau of Investigation (NBI) Isabela ang kanilang dating pinuno ng NBI na isang matalino pagdating sa usapin ng pagkilatis sa mga dokumento.

Ayon kay Rejano, bukod sa isang rehistradong accountant at magaling na abogado ay kakayanin din umano ng bagong talagang ex-NBI Director Dante Guiran ang pamunuan ang isang ahensya na nasasangkot sa umano’y maanomalyang paggamit ng pondo ng PHILHEALTH.

Giit pa ng opisyal,bagama’t walang karanasan pagdating sa usapin ng healthcare si dating NBI Director Guiran ay tiyak naman na magagawa nito na mapanagot ang nasa likod ng umano’y korapsyon at maibabalik ang magandang imahe ng kanyang pamumunuang ahensya matapos ang kaliwa’t kanang batikos ng publiko dito.

Matatandaang naging sentro rin ng pagkwestyon ng ilang senador ang pamumuno ni Guiran dahil sa kawalan ng karananasan sa paghawak sa ahensya.

Samantala, tiniyak naman ng NBI Isabela ang koordinasyon sa mga Philhealth officials para sa mas mabilis imbestigasyon.

Facebook Comments