NBI, isinasailalim na sa forensic investigation ang laptop ng dating empleyado ng Smartmatic

Isinasailalim na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa forensic investigation ang laptop ng dating empleyado ng Smartmatic na umano’y sangkot sa security breach ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, sinususuri na ng kanilang mga tauhan ang laptop para malaman ang nilalaman nito.

Aniya, hindi nila maibibigay ang pagkakakilanlan ng nasabing empleyado dahil tuloy-tuloy pa ang ginagawang imbestigasyon .


Bukod dito, hindi rin maaaring isapubliko ng NBI kung sinong grupo ang interesado o pagbibigyan ng impormasyon ng dating empleyado ng Smartmatic.

Facebook Comments