NBI, kakasuhan ang mga mapapatunayang nagkakanlong kay Quiboloy

Nagbabala ang National Bureau of Investigation sa mga taong posibleng nagkakanlong kay Kingdom of Jesus Christ Leader Apollo Quiboloy.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni NBI-Region 11 Director Atty. Archie Albao na maaari ding maharap sa kaso ang mga tumutulong sa pastor.

Nakausap na rin daw nila si dating Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng mga hinalang itinatago nito si Quiboloy.


Sabi umano ng dating pangulo, kung siya ang tatanungin ay nais din niyang imungkahi sa pastor na sumuko na.

Samantala, kumpiyansa naman si Albao na nasa Pilipinas pa si Quiboloy.

Kumpleto rin aniya ang mga sasakyan at helicopter nito sa kanyang hangar sa Davao.

Oras naman na maaresto o kapag sumuko ay agad na ite-turn over ng NBI sa Senate Sergeant-at-Arms si Quiboloy kahit na makapagpiyansa ito sa kanyang mga kaso.

Matatandaang ipina-cite in contempt ng Senado si quiboloy matapos na ilang ulit na hindi sumipot sa pagdinig nito ukol sa mga alegasyong exploitation, sexual at child abuse, at iba pa laban sa pastor.

Facebook Comments