
Sinisilip na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga CCTV footage sa condominium ng aktres na sina Rhian Ramos at beauty queen Michelle Dee.
Ito’y kaugnay ng alegasyon ng pambubugbog na inihain ng driver at personal assistant ni Ramos.
Ayon sa NBI, bahagi ito ng isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga pangyayari at beripikahin ang mga pahayag ng magkabilang panig.
Samantala, mariing itinanggi ng abogado nina Ramos at Dee ang akusasyon at tinawag itong “untruthful” at “physically impossible.”
Kinuwestiyon din ng kampo ng dalawa ang paratang dahil umano’y walang nakitang malinaw na bakas ng bugbog o sugat sa nagrereklamong driver.
Patuloy ang imbestigasyon ng NBI at hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa CCTV at iba pang ebidensya upang malinawan ang kaso.










