NBI, kinumpirmang labi ni dating Justice Normandie Pizarro ang natagpuan sa Tarlac

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang natagpuang labi sa Capas, Tarlac noong October 30 ay kay retired Court of Appeals (CA) Justice Normandie Pizarro.

Matatandaang noon pang Oktubre nawawala si Justice Pizarro.

Ang labi ay isinailalim sa DNA tests at iba pang analysis dahil hindi nila makuha ang fingerprint nito dahil sa putol ang mga daliri nito.


Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na lumabas sa report ng NBI Forensic Chemistry Division na nasa 99.99% na tugma ang DNA ng narekober na labi sa retiradong CA judge.

Ayok naman kay NBI Director Eric Distor, lumabas din sa dental evidence na nakalap ng NBI forensic team na tugma ito sa dental records ng dating mahistrado.

Lumalabas din sa imbestigasyon na brutal na pinatay si Justice Pizarro, pitong araw na bago siya natagpuang patay noong October 30.

Sa ngayon, may natukoy na ang NBI na apat na persons of interest, at isa sa kanila ay handang isiwalat ang mga nalalaman nito.

Facebook Comments