NBI, kinumpirmang walang nangyaring foul play sa pagkamatay ni National Bureau of Investigation Counter Terrorism Division Chief Raoul Manguerra

Accidental fire ang dahilan ng pagkamatay ni NBI-Counter-Terrorism Division Chief Raoul Manguerra.

Ito ang inihayag ni Department of Justice Sec. Menardo Guevarra makaraang kumpirmahin mismo sa kanya ni NBI OIC Eric Distor matapos ang isinagawang imbestigasyon

Ayon kay Guevarra, bagama’t hindi idinetalye kung paano nabaril ni Manguerra ang kanyang sarili, inalis na ng NBI ang anggulong may foul play sa nangyaring pagkamatay ng opisyal.


Para kay Guevarra, malaking kawalan ang pagkamatay ni Manguerra lalo na’t malapit na ang full blast implementation ng Anti-Terror Law.

Nabatid na si Manguerra ang naging dahilan sa pagkaaresto noon ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa buong bansa maging sa Metro Manila.

Una rito, sinabi ni Guevarra na namatay si Manguerra dahil sa isang tama ng bala ng baril sa kanyang tiyan kung saan mag-isa lamang siya sa kanyang opisina sa loob ng NBI main office sa Maynila nang mangyari ang insidente noong Lunes ng gabi.

Mayroon din umanong seryosong karamdaman si Manguerra na colon cancer, batay na rin partner ng biktima.

Facebook Comments