NBI, kumbinsidong planado ang pagpatay kay Kian Loyd delos Santos

Manila, Philippines – Maraming butas na nakita ang National Bureau of Investigation laban sa mga pulis-Caloocan na sangkot sa drug operation kung saan napatay si Kian Delos Santos.

Ayon sa NBI ,may treachery o pataksil sa ginawang pagpatay kay Kian dahil lumalabas sa kanilang imbestigasyon na siya ay binaril habang nakaluhod o di kaya ay nakadapa.

Meron din anilang evident premeditation o planado ang ginawang pagpatay sa estudyante.


Kaugnay naman sa planting of dangerous drugs, kumbinsido ang NBI na malabong may dalang shabu si Kian sa kanyang beywang dahil ang suot nito nang mapatay ay boxer shorts.

Ayon pa sa NBI , may paglabag sa domicile ang mga pulis na naghalughog sa bahay nina Kian dahil wala itong dalang search warrant.

Kahapon, sinampahan na ng NBI sa Dept of Justice ng kasong murder , violation of domicile at paglabag sa batas kontra sa pagtatanim ng ebidensya sina Chief Inspector Amor Cerillo, PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Tolete Pereda at PO1 Jerwin Roque.

Facebook Comments