NBI, magkakasa ng imbestigasyon sa pagpatay sa isang architecture student sa Occidental Mindoro

Magkakasa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkamatay ng babaeng architecture student sa Occidental Mindoro.

Ito ay matapos atasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes ang NBI na magsagawa ng sariling imbestigasyon.

Ayon sa NBI, kinilala ang biktimang si Eden Joy Villacete, 21 years old, na incoming fifth year student ng Occidental Mindoro State College.


Nagtapuang walang buhay at walang saplot si Villacete noong June 30 sa loob ng inuupahan niyang kwarto sa bayan ng San Jose.

Inihayag naman ng NBI na nakalikom na sila ng ₱459,000 reward money para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga killer ng biktima.

Facebook Comments