
Magpapasaklolo na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa International Criminal Police Organization o INTERPOL.
Ito’y para sa Red Notice laban kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, sumulat na sila sa INTERPOL matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Garma.
Nag-isyu ang Mandaluyong Regional Trial Court Branch 279 ng warrant of arrest laban sa kaniya sa kasong murder at frustrated murder kaugnay sa pagpatay kay Retired Police General at PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.
Kanina nang iniharap sa tanggapan ng NBI sina Nelson Mariano at Lt. Col. Santie Mendoza na may kinalaman at ang nakakaalam umano sa kaso at pagpatay kay Barayuga.
Facebook Comments









