NBI, magsasampa pa ng karagdagang kaso hinggil sa anomalya sa PhilHealth

Magsasampa pa ng karagdagang reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa nangyayaring katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay NBI National Capital Region Director Cesar Bacani, ang mga kasong iniimbestigahan ng kanyang tanggapan ay kasalukuyang ine-evaluate ng NBI Legal Division para malaman kung may sapat na ebidensya para sa paghahain ng reklemo sa Office of the Ombudsman.

Bago ito, naghain ang NBI ng bagong reklamo sa Ombudsman hinggil sa iregularidad sa pagpapatupad ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM), na kinasasangkutan ng health provider na Braun Avitum na nakatanggap ng nasa ₱33.8 million.


Inirekomenda ng NBI na sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Misappropriation of Funds sa ilalim ng Republic Act 10606 o National Health Insurance Act, administrative cases ng grave misconduct, gross negligence at conduct prejudicial to public interest sina dating PhilHealth President Ricardo Morales at iba pang opisyal.

Facebook Comments