NBI, naglatag na ng security plan pagdating ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo

Mahigpit na magpapatupad ng security plan ang National Bureau of Investigation o NBI upang masigurong ligtas ang pagdating ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa Pilipinas matapos itong maaresto kaninang madaling araw ng mga operatiba ng Indonesian government.

Sa ginanap na presscon sa tanggapan ng NBI, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay dadaan muna sa Bureau of Immigration (BI) para iproseso ang lahat ng kanyang mga dokumento bago dalhin sa NBI.

Paliwanag pa ni Director Santiago na matagal na nilang pinaghahandaan ang mga gagawing security plan sa pagdating ni Guo pero hindi nila ihahayag sa publiko kung anong klaseng mga security measures ang kanilang ipatutupad upang mabigyan ng proteksyon si Guo.


Dagdag pa ni Santiago na para maitago ang identity ni Guo ay nagpaputol ito ng kanyang buhok base na rin sa pahayag ng Indonesian government para hindi makilala ng mga humahanap sa kanya.

Tiniyak naman ni Santiago na dadaan ng tamang proseso ang lahat bago dalhin si Guo sa Senado.

Facebook Comments