
Nilinaw ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang kinalaman sa security breach ang kasalukuyang disruption sa kanilang online services.
Ayon sa NBI, ang pansamantalang downtime ay bunsod ng ongoing transition sa pagitan ng kanilang internet service providers.
Tiniyak ng NBI technical team na nakikipag-ugnayan sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang masigurong maayos ang system configuration at maiwasan ang pangmatagalang aberya.
Kabilang sa mga apektado ang NBI Official Website, Online Clearance Application Portal, at maging ang internal at external email systems ng ahensya.
Sa ngayon, wala pang tiyak na petsa kung kailan maibabalik sa full operation ang kanilang online services.
Facebook Comments










