NBI, nagsagawa ng surprise inspection sa NBP kasunod ng alegasyong VIP treatment sa ilang PDL

Binisita at ininspeksyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang detention facility ng NBI sa building 14 ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito’y upang matiyak na walang nangyayaring VIP treatment sa ilang Person Deprived of Liberty kasunod ng alegasyon kay dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, pantay-pantay umano ang trato sa lahat ng PDL kabilang na ang pasilidad, pagkain at mga karapatan sa loob ng piitan.

Aniya, over capacity na ang NBI detention facility na ngayon ay mayroong 200 detainee na 80% ay dayuhan.

Samantala, pinabulaanan rin ng ilang PDL kung may nararanasang pang-aabuso sa mga PDL.

Facebook Comments