
Nagsasagawa na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, bagama’t wala pa silang natatanggap na order, inatasan na niya ang kanilang regional director na magsagawa ng imbestigasyon.
Partikular aniyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang NBI sa mga lugar na binisita ng Pangulong Bongbong Marcos.
Sinabi ni Santiago na layon nito na may maiprisinta agad silang resulta ng imbestigasyon sakaling kailangan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Tiniyak din ng NBI chief na wala silang sasantuhin sa imbestigasyon dahil apolitical aniya ang kanilang organisasyon.
Facebook Comments









