NBI, nagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pagkamatay ng police doctor

Nagsasagawa na ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa pagkamatay ng isang police doctor matapos ma-expose sa isang toxic disinfectant.

Sa kanyang weekly report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinisiyasat na ng NBI ang pagkamatay ni Police Captain, Dr. Casey Gutierrez.

Ang dalawa pang miyembro ng Medical Reserve Force ng Philippine National Police (PNP) na sila Police Staff Sergeant Steve Rae Salamanca at Police Corporal Runie Toledo ay nagpapagaling sa PNP General Hospital matapos makaranas ng kaparehas na kondisyon tulad ng kay Gutierrez.


Ang tatlong pulis ay nakatalaga sa Philippine Sports Arena (PSA).

Bukod dito, sinabi rin ni Pangulong Duterte na iniimbestigahan din ng NBI ang anomalya sa Social Amelioration Program (SAP), at hindi pagtanggap ng pasyente ng 43 ospital sa Metro Manila, Nueva Ecija, Laguna, at Rizal.

Iniimbestigahan din ang paglabag ng COVID-19 testing equipment distributor na Omnibus Bio-Medical Systems Inc. at Chinese firm na Sansure Biotech.

Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na pangungunahan ng Department of Health (DOH) ang imbestigasyon hinggil dito.

Facebook Comments