NBI, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa paglubog ng barko sa Bataan; alegasyong oil smuggling, kabilang sa tinitingnan

Bilang bahagi ng Task Force na binuo ng pamahalaan patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation o NBI sa paglubog ng MT Terranova sa Limay, Bataan na nagdulot ng oil spill.

Sa kumpirmasyon ni NBI Dir. Jaime Santiago, kabilang sa kanilang tinitingnan ay ang anggulong oil smuggling o “pa-ihi system”.

Aniya, tinututukan na ito ng kanilang counter-intelligence maging ang district office ng NBI sa Bataan para kumalap ng impormasyon.


Una nang nilutang ng Department of Justice o DOJ ang posibleng oil smuggling o “paihi” na mariin namang itinanggi ng may-ari ng MT Terranova na Porta-Vaga Ship Management Incorporated ang alegasyon.

Samantala, ayon pa kay Director Santiago, maging ang paglubog ng MT Jason Bradely at pagsadsad ng MV Mirola-1 na kapwa nangyari sa Bataan ay iniimbestigahan na rin ng NBI.

Facebook Comments