NBI, nagsimula na ring mag-imbestiga sa kasong pagpatay kay Juan Jumalon

Sinisiguro ng Department of Justice (DOJ) na mabibigyan ng katarungan ang pagpatay sa radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon.

Kaugnay nito, kinumpirma ng DOJ na nagsimula na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang imbestigasyon imbestigasyon sa pinakahuling media killing.

Muling iginiit ng DOJ na ang ginawang pagpatay kay Jumalon ay hayagang paglabag sa demokrasya at kalayaan sa pamamahayag.


Agad namang ipinaaabot ng DOJ ang pakikiramay sa naulilang pamilya at sa mga kasamahan sa trabaho ni Jumalon.

Tiniyak pa ng DOJ na kaisa sila sa paghahangad at paghahanap ng hustisya sa brutal na pagpatay sa naturang radio broadcaster kung saan nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) para sa ibang detalye.

Matatandaang si Jumalon ay binaril habang nagpo-programa sa kanyang istasyon, na 94.7 Calamba Gold FM sa kanilang bahay sa Barangay Don Bernardo Neri Calamba, Misamis Occidental nang barilin ng nag-iisang suspek na nagpanggap na may ipapa-anunsyo sa radyo kaya nakapasok sa anchors booth.

Nagawa rin maisugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Facebook Comments