Nagsumite na sa Department of Justice (DOJ) ng karagdagang ebidensya ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa Degamo murder case.
Ito ay bilang suporta sa naunang affidavit ng mga respondent na sangkot sa kaso.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, kasama rito ang mga larawan at videos na pinangyarihan ng massacre na makatutulong para matukoy ang mga respondent.
Kabilang din dito ang mas malinaw na kopya ng mga documentary evidence na naisumite ng NBI.
Dagdag ni Clavano, suporta ito sa pag-amin ng mga respondent na nasa lugar sila nang maganap ang krimen, pero ngayon ay kanila ng binabawi.
Samantala, ayaw nang patulan ng tagapagsalita ang pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio na hindi na uusad ang kaso laban sa kaniyang kliyente na si Cong. Arnolfo Teves Jr., dahil sa pagbawi ng salaysay ng mga sangkot sa kaso.
Giit ni Clavano, nakabase ang DOJ sa ebidensyang nakakalap ng mga nagsisiyasat.