Nahihirapang magsampa ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga inirereklamong empleyado at guro ng Philippine High School for the Arts (PHSA) sa Laguna na sangkot umano sa sexual abuse.
Ayon kay Jerome Bomediano ng NBI Special Action Unit, hindi sila makabuo ng pormal na reklamo dahil walang gustong magsumite ng sinumpaang salaysay laban sa mga sangkot na indibidwal.
Ngunit ayon kay Senator Risa Hontiveros na magkusa na sa pag-imbestiga ang ahensiya ng gobyerno at ang eskwelahan mismo.
Ikina-init ng ulo naman ni Senator Raffy Tulfo ang aniya’y mahinang pamamalakad ng eskwelahan at pagdidispilina sa mga inirereklamong guro o kawani.
Dumepensa naman ang pamunuan ng PHSA at sinabing may mga programa sila upang matiyak na hindi na mauulit ang umano’y pang-aabuso sa mga bata.