
Itinuturing ng National Bureau of Investigation (NBI) na matagumpay ang kanilang raid sa condominium unit ni dating Cong. Zaldy Co sa BGC, Taguig City.
Ayon kay NBI Spokesperson Atty. Palmer Mallari, marami silang nakuhang mga dokumentong may kaugnayan sa kanilang imbestigasyon.
Sinabi ni Mallari na mabigat ang mga ebidensyang nakuha nila, bukod sa ₱10,000 na cash na aniya’y minimum lamang.
Aniya, tatlong vault ang kanilang natuklasan sa condo unit ni Co at may mga pangalan din silang nakita sa mga papeles, ngunit tumanggi si Mallari na ihayag kung sinu-sino ang mga ito.
Kinumpirma rin ni Mallari na ipapa-cross-reference at iko-cross-check ng NBI ang mga dokumento.
Lahat aniyang nakuha nila tulad ng cash at mga dokumento ay nakalista sa inventory sheet at ibinigay nila ito sa abogado ng respondent.
Ang search warrant at ang inventory sheet ay isusumite naman sa korte para sa kaukulang disposition.
Pasado alas dose na ng hatinggabi kanina nang matapos ang raid sa bahay ni Co.









