Friday, February 13, 2026

NBI, nakapagsumite na sa INTERPOL ng karagdagang requirements para sa Red Notice laban kay Zaldy Co

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Spokesperson Palmer Mallari na nakapagsumite na ang bureau sa INTERPOL ng karagdagang requirements para sa Red Notice laban kay dating Cong. Zaldy Co.

Sinabi ni Mallari na sa ngayon ay hinihintay na lamang ng NBI ang disposition ng INTERPOL.

Tuloy-tuloy rin aniya ang pag-validate ng NBI ng mga natatanggap nilang impormasyon hinggil sa posibleng kinaroonan ni Co.

Sa sandali aniyang maaprubahan ang request ng NBI na Red Notice laban kay Co, mas mapapadali na ang pag-apply ng extradition request para sa pagpapa-deport sa dating mambabatas.

Una nang inihayag ng NBI na tumutulong na rin sa paghahanap kay Co ang Dutch at British authorities.

Facebook Comments