NBI, nanindigang itutuloy ang kaso laban sa guro na nag-tweet ng death threat laban kay PRRD kahit na humingi na ito ng dispensa

Tuloy ang pagsasampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kaso laban sa 25-anyos na guro na nag-tweet ng 50-million pesos na patong sa ulo ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na humingi na ng dispensa sa Pangulong Duterte si Ronnel Mas na isang guro mula sa Zambales.

Ayon kay NBI Dagupan District Office Head Agent Zaldy Jamaylin, tuloy ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 laban sa naturang netizen.


Iginiit ni Jamaylin na hindi nawawala ang criminal liability nito kahit nag-apologize na ito sa Pangulo at sa publiko.

Mayo 5, 2020 nang mag-post sa twitter ang naturang netizen na nag-aalok ng P50-million na reward money sa makakapatay sa Pangulo.

Facebook Comments