NBI, natapos na ang ‘fake news’ investigation

Natapos na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon nito hinggil sa mga naglipanang fake news kaugnay ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo.

Ayon kay Lorenzo, nasa evaluation pa lamang ang mga kaso para sa fake news.


Aniya, hinihintay nila ang final evaluation kung maghahain sila ng kaso o isasara ang mga kaso.

Nabatid na pinatatawag ng NBI noong nakaraang buwan si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson kaugnay sa post na naka-publish sa kanyang Facebook page patungkol sa delivery ng nasa 15,000 sets ng Personal Protective Equipment (PPEs) na binili ng Department of Health (DOH).

Pero isa sa mga litratong ginamit dito, ay lumalabas na galing sa SM Foundation.

Humingi na ng paumanhin si Uson hinggil dito.

Bukod kay Uson, pinatatawag din ng NBI ang isang social media user na nag-post sa Facebook na bumili ang pamahalaan ng dalawang bilyong pisong private jet sa halip na ilaan sa health care para sa mga Pilipino.

Facebook Comments