MANILA – Bukas ang National Bureau of Investigation sa panukala ni Senator Panfilo Lacson na magkaisa ang Philippine National Police at ang ahensya sa pag-iimbestiga sa kaso ng Koreanong si Jee Ick Joo na biktima ng “tokhang for ransom.”Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin – pabor sa kanila ang suhestiyon ni Lacson na case conference lalo na’t naniniwala sila na dapat ay walang pag-aalinlangan ang magiging resulta ng imbestigasyon ng NBI at PNP.Una na iginiit ni Lacson na kailangan ang case conference ng NBI at PNP upang magingmaayos ang paglalatag ng ebidensya.Naniniwala kasi ang senador na kung magbabanggaan ang mga ebidensya ng PNP at NBI ay maaaring humina ang kaso laban sa mga sangkot sa kaso ni Joo.
Facebook Comments