NBI, papasok na sa imbestigasyon laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa harap ng banta ng COVID-19

Pinakilos na ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Eric Distor ang iba’t-ibang units nito para tukuyin ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng fake news na nagdudulot ng higit na takot sa publiko sa harap ng banta ng COVID-19.

Kabilang sa nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang NBI Cyber Crime Division (CCD), Digital Forensic Division at iba pang investigative units kabilang na ang Regional Operations Service.

Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI International Operations Division (IOD) sa foreign counterpart nito para i-verify ang katotohanan sa report na nagbabala raw ang US State Department sa magaganap na looting sa Pilipinas sa harap ng pinaiiral na lockdown sa buong Luzon.


Pinabulaanan naman ito ng NBI at sinabing fake news ang report.

Tiniyak naman ni Director Distor na ginagawa na ng NBI at ng pamahalaan ang lahat ng aksyon para maprotektahan ang publiko laban sa paglaganap ng fake news.

Facebook Comments