NBI, papasok na sa imbestigasyon ng pagpatay sa isa na namang abogado sa South Cotabato

263

Inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan na rin ang pagpatay sa isa na namang abogado sa Surallah, South Cotabato, noong Miyerkules.

Sa Department Order ni Sec. Guevarra, inatasan nito ang NBI na agad na sampahan ng kaso ang mga salarin oras na may nakita silang matibay na ebidensya.


Si Atty. Juan Gammad Macababbad, 68, ay namatay matapos na magtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Si Macababbad ay miyembro ng National of Union of Peoples’ Lawyers at vice chairman ng Union of Peoples’ Lawyers sa Mindanao

Facebook Comments