Bilang Chairman ng Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT, inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng parallel investigation sa pagdagsa sa Maynila ng daan-daang mga Badjao na biktima ng human trafficking.
Ang gagawing imbestigasyon ng NBI ay hiwalay sa imbestigasyon ng Philippine National Police o PNP-Women Children Protection Center.
Nangako naman ang IACAT na palalakasin pa nila ang kanilang Regional Task Forces para sa mas maayos na implementasyon ng anti-trafficking laws at maprotektahan ang mga katutubo at iba pang vulnerable sector.
Sa ngayon, pauwi na sa Zamboanga ang 232 mula sa 303 Indigenous People na Badjao na dumating sa Manila North Harbour Seaport noong June 4.
Sinasabing ang naturang mga badjao ay biktima ng human trafficking at may nagpopondo sa kanilang pagbiyahe patungong Maynila.
Lahat ng pauwing Badjao ay isasailalim din sa antigen test sa tulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 9 pagdating nila sa Zamboanga.
Ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking, 71 sa mga ito ay pansamantalang nasa temporary shelter sa Quezon City.
4 kasi sa mga kanila ay nagpositibo sa COVID-19 kaya inilipat na sa isolation facility kasama ang mga nagkaroon ng close contacts sa mga kanila.