Tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Interpol kaugnay sa sinibak na si dating Bamban Mayor Alice Guo.
Sa pagbisita ni NBI Director Jaime Santiago sa Department of Justice (DOJ) ngayong hapon, sinabi nitong patuloy ang kanilang koordinasyon sa Interpol pero wala pa raw itong sagot sa kanila.
Ayon kay Santiago, kabilang na rito ang posibleng request para sa paglalabas ng Red Notice laban kay Guo.
Sa ngayon, pinanghahawakan pa rin daw nila ang pahayag ng abogadong sinasabing pinanumpaan ni Guo sa kaniyang notaryo sa isinumiteng counter-affidavit sa DOJ noong nakaraang linggo.
Una nang tiniyak ng DOJ na mananagot ang sinumang may kinalaman o tumulong sa paglabas nito ng bansa sa kabila ng umiiral na Immigration Lookout Bulletin Order at mga warrant of arrest.