Nakabantay ang National Bureau of Investigation (NBI) sa posibleng paglipana ng mga pekeng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nagsasagawa na ang NBI ng imbestigasyon hinggil sa hindi awtorisadong pagpasok at paggamit ng COVID-19 vaccines sa bansa.
“I suppose that in the investigation being conducted by the NBI on the alleged entry and distribution of unregistered COVID-19 vaccines in the Philippines, the possible existence of fake vaccines among those being sold underground is included,” sabi ni Guevarra.
Sa ngayon, hinihintay pa ni Guevarra ang latest report mula sa NBI hinggil dito.
Matatandaang ibinunyag ni Presidential Security Group (PSG) Commander Brigadier General Jesus Durante III na nabakunahan na laban sa COVID-19 ang kanilang mga tauhan para maprotektahan si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa virus.