NBI personnel na nasa likod ng pag-hire ng sexy dancers sa isang NBI event, tukoy na ng DOJ!

Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na natukoy na kung sinong National Bureau of Investigation (NBI) personnel ang nasa likod ng pag-hire ng performers na nag-viral sa isang event ng NBI, matapos mag-sexy dance.

Ayon kay Remulla, sinubukan umano siyang lapitan ng naturang tauhan ng NBI, pero sinabi ng kalihim na magsumite na lamang ito ng written explanation.

Kasalukuyan na rin aniyang nagsasagawa ng internal investigation ang NBI at naisumite na sa Department of Justice (DOJ) ang ilang mga detalye.


Titignan din muna ng DOJ ang ipapataw na disciplinary procedure ng NBI sa kanilang mga tauhan.

Muli ring iginiit ni Remulla na hindi nila kukunsitihin ang ganitong uri ng gawain.

Samantala, paglilinaw naman ng kalihim na hindi galing sa public funds ang pinangbayad sa tatlong dancer, kundi galing sa sariling bulsa ng mga NBI personnel.

Facebook Comments