Manila, Philippines – Hindi na manghihimasok ang NBI sa pagkakasangkot nina Sen. Franklin Drilon at dating DILG Sec. Mar Roxas sa drug trade sa Visayas.
Ayon Justice Secretary Vitaliano Aguirre , ang PDEA na kasi ang inatasan ng Pangulong Duterte na magsagawa ng lahat ng operasyon kontra iligal na droga.
Sa kabila nito, sinabi ni Aguirre na maari nang magsagawa ng preliminary investigation ang prosecutor matapos ang pagsusumite ng affidavit ng self-confessed bagman ng Berya drug cartel na si Ricky Serenio
Ang affidavit aniya kasing isinumite ni Serenio ay maituturing na rin na complaint.
Si Serenio ay una nang nagsumite ng affidavit sa La Carlota City prosecutor’s office sa Negros Occidental noong Oct. 18
Sa kanyang affidavit, ibinunyag ni Serenio na sina Drilon at Roxas ang nagsisilbing protectors ng sinasabing drug lord na si Melvin Odicta Sr.
Si Odicta Sr., at ang maybahay nito ay napatay noong August 2016 sa Caticlan Jetty Port sa Aklan.