NBI, pinaghahanda ni Justice Sec. Guevarra para sa posibleng pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa mga huwes na nasa narcolist

Inihahanda ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI para sa posibleng full-blown investigation kaugnay ng pagkakasama ng ilang huwes sa narcolist.

 

Humingi na ang DOJ ng kopya sa PDEA ng listahan ng sinasabing “Narco-prosecutors”.

 

Ayon kay Guevarra,  bukod sa verbal request nila sa PDEA, magpapadala sila ng liham sa tanggapan ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino.


 

Tiniyak ni Guevarra na may mananagot kung talagang may mga piskal na sangkot sa illegal drugs.

 

Sakali aniyang makakita ng basehan, tuluyan nilang sasampahan ng kaso ang mga hukom.

Facebook Comments