NBI, pinagkokomento na ng Korte Suprema kaugnay sa petisyon na inihain ng ina ni Marvin Miranda

Pinagkokomento ng Korte Suprema ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa petisyong writ of habeas corpus na inihain ng ina ni Marvin Miranda.

Si Miranda ay itinuturong isa sa co-mastermind ni suspended Congressman Arnolfo Teves Jr., sa Gov. Degamo murder case.

Inilbas ng SC First Division ang resolusyon noong April 17, 2023 ngunit ngayong lamang nabigyan ng kopya ng paunawa ang Supreme Court Public Information Office (SC PIO).


Ang writ of habeas corpus ay inihahain laban sa iligal na pagkulong at nag-uutos sa isang pampublikong opisyal na iharap ang isang tao sa korte at magpakita ng mga wastong dahilan para sa pagkulong.

Si Conchita Miranda, na naghain ng habeas corpus petition sa Korte Suprema, ay kinilala sa isang naunang ulat bilang ina ni Marvin Miranda.

Facebook Comments