NBI, pinagpapaliwanag ng korte sa Las Piñas kung bakit bigo itong isailalim sa DNA test ang sinasabing labi ni Ricardo Zulueta

Kinumpirma ng pamilya Mabasa na inatasan ni Las Piñas City Judge Cesar Huliganga si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jimmy Santiago na magpaliwanag sa korte.

Kaugnay ito ng kabiguan ng NBI na isailalim sa DNA test ang sinasabing labi ni Ricardo Zulueta na isa sa mga mastermind sa pagpatay kay broadcaster Percy Lapid.

Ito ay sa kabila ng may direktiba na ang hukuman na isailalim sa DNA test ang naturang labi para makumpirma kung talagang totoong patay na si Zulueta.


Una nang lumabas sa police reports na namatay sa heart failure si Zulueta sa Bataan Peninsula Medical Center nitong March 2024.

Bukod kay Zulueta, kabilang din sa sinasabing isa sa masterminds sa Percy Lapid murder case si dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag.

Facebook Comments