NBI, pinakilos ni Justice Sec. Guevarra para imbestigahan ang mga katiwalian sa BOC

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa mga katiwalian sa Bureau of Customs.

Kasunod ito ng ibinunyag ng Pangulong Duterte sa kanyang ika-apat na SONA hinggil sa laganap na korupsyon sa Customs.

Sa kanyang Department Order Number 383, inatasan ni Guevarra ang NBI sa pamamagitan ni Director Dante Gierra na agad na magsampa ng kaso sakaling may makita silang mga ebidensya laban sa mga sangkot sa katiwalian sa BOC.


Pinagsusumite rin ni Guevarra ng progress report sa kanyang tanggapan si Gierran sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments