NBI, pinuri ng pamunuan ng Philippine Army dahil sa rekomendasyong sampahan ng kasong kriminal ang siyam na pulis na nakapatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu

Isang welcome development para sa Philippine Army ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kasong murder at planting of evidence ang siyam na pulis na nakapatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong June 29, 2020.

Ayon kay Philippine Army Commanding General Lt. General Gilbert Gapay, hindi lamang ang hanay ng Philippine Army ang natuwa sa rekomendasyon ng NBI kundi maging ang pamilya ng apat na namatay na sundalo.

Ito aniya ang patunay na narinig ang iyak ng mga pamilya na naghahangad ng hustisya.


Umaasa si Gapay na mapaparusahan ang mga pulis na suspek dahil sa heinous crime na ginawa ng mga ito.

Samantala, ayon naman kay AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr., tututukan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang development ng kaso hanggang sa huling hatol ng korte.

Facebook Comments