NBI, posibleng tumulong na rin sa contact tracing kaugnay ng nCoV

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na nakahanda itong atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) kung kinakailangan para makatulong sa isinasagawa ngayong contact tracing ng pamahalaan sa mga taong nakasalamuha ng dalawang Chinese nationals.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sakaling hilingin ng Department of Health (DOH) ang tulong ng NBI ay agad niyang aatasan ang NBI para makatulong sa paghahanap sa mga taong nakasalamuha ng naturang Chinese national na namatay dahil sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Pero sinabi ng kalihim na sa ngayon, sinabi naman na ng DOH na kaya pa nilang ihandle ang sitwasyon ay ang nagpapatuloy na contract tracing.


Naka-standby lamang aniya ang NBI para magbigay ng suporta sa tracker team ng DOH para sa mas malawak na contact tracing sa iba pang posibleng patients under investigation o PUIs.

Facebook Comments