NBI, pumalag sa isyung paghaharas ng isa nilang operatiba sa mga Rappler reporter

Manila, Philippines – Itinanggi ng National Bureau of Investigation ang alegasyon laban sa isang operatiba na nagbanta umano sa mga reporter ng Rappler habang inaaresto ang CEO nito na si Maria Ressa.

Batay kasi sa impormasyon ay pinagbabawalan umano ang mga reporter na kumuha ng video at pictures at nagbanta pang pagsisisihan nila kapag nakita ang mukha ng operatiba sa internet.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, kinausap niya ang agent at ipinaliwanag nito na ang intensyon niya ay makiusap na huwag namang ipakita ang kanyang mukha.


Kasabay nito, nilinaw ni Lorenzo na may karapatan ang media na mag-cover ng kaparehong sitwasyon at hindi nila pipigilan ang pagkuha ng litrato o video.

Basta at huwag lang makita ang mukha ng mga agent lalo na sa undercover operations.

Facebook Comments