
Naiinip na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-iisyu ng arrest warrant laban kay Sarah Discaya kaugnay ng P96.5 milyong ghost flood control project sa Davao Occidental.
Ayon kay NBI Spokesperson Palmer Mallari, kung naiinip na ang publiko, mas lalo na aniya ang NBI dahil hindi lamang ito ang kasong kanilang hinahawakan.
Aniya, oras na mailabas ang warrant, agad isasailalim si Discaya sa booking procedure at medico-legal examination upang matukoy ang kaniyang kalagayang medikal.
Wala rin umanong magagawa ang NBI kundi sumunod sakaling iutos ng korte ang paglipat ng kontratista sa ibang detention facility.
Dagdag pa ni Mallari, halos araw-araw ang kanilang ginagawang follow-up upang mapabilis ang proseso at maipatupad agad ang warrant.









