Manila, Philippines – Sinalakay ng mga ahente ng NBI ang isang KTV Bar at E-Game na matatagpuan sa Jorge Bocobo Street Malate Manila matapos na katigan ng Manila Regional Trial Court Branch 11 ang inihaing reklamo ng Mementum Construction and Development Corporation.
Nagkaroon ng bahagyang tensyon kanina ng pumalag ang mga guardya ng naturang establisemento pero nang magpakita ng mga dokumento at desisyon ng korte ang mga ahente ng NBI wala ng magawa ang mga guardya kundi papasukin ang mga operatiba ng NBI.
Iniisa-isang inilabas ang lahat ng mga kagamitan ng naturang establisemento dahil pumabor ang korte at kinatigan ang reklamo ng Momentum Construction and Development Corporation.
Ayon kay Manila RTC Branch 11 Sheriff Renato Salumbides Jr. ibenta ng Winluck Estate Star Corporation ang naturang establisemento ay kay Edgardo Ramirez Azucena Palaganas at Violeta Abad pero sa kanilang urgent motion ay ibinasura ng korte dahil sa kawalan umano ng merito.
Kinatigan ni Manila RTC Branch 11 Presiding Judge Cicero Jurado Jr., ang mga momentum dahil sa may sapat na ebidensiya upang mapasakanya ang naturang establisemento.