NBI, tinapos na ang imbestigasyon sa PNP-PDEA misencounter

46

Tinapos na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon nito sa misencounter sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong February 24 sa Quezon City.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NBI na imbestigahan ang pangyayari na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang pulis, dalawang PDEA agents at isang informant.


Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, magsusumite na si NBI Chief Eric Distor ng report hinggil sa insidente.

Una nang iginiit ng PNP at PDEA na lehitimo ang ginawa nilang anti-illegal drug operations.

Facebook Comments