NBI, tiniyak na hindi si PBBM ang lalaki sa kumakalat na polvoron video

Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nasa polvoron video na kumakalat sa social media.

Ito ay batay sa resulta ng isinagawang joint investigation ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government o DILG at Department of Justice (DOJ).

Itoy ay para malaman ang katotohanan sa video.


Batay sa makabagong forensic equipment na ginamit sa pagsusuri sa video, isang tao ang ginamit ng detractors para magmukhang si Pangulong Marcos at palabasing gumagamit ng iligal na droga.

Sa ngayon, hindi pa matukoy kung sino ang taong ginamit para magmukhang ang pangulo pero patuloy pa ang imbestigasyon dito.

Wala pa rin silang matukoy na indibidwal o grupo na responsable sa pagpapakalat ng video pero ginagawa na ang lahat para makilala ang mga ito.

May mga indibidwal din mula sa Maisug ang kanilang iimbitahan para maimbestigahan.

Pagtiyak pa ng mga ito na maingat nilang iniimbestigahan ang kaso bago isampa sa korte.

Facebook Comments