
Tiniyak ni NBI OIC-Director Magno na iimbestigahan nila ang posibleng pananagutan sa batas ng mga indibidwal na tumulong sa pagtatago ni Engr. Dennis Pelo Abagon, Chief Quality Assurance and Hydrology Division ng BAC.
Si Abagon ay naaresto ng NBI team kahapon sa Quezon City.
Si Abagon na co-accused ni ex-Cong. Zaldy Co sa non-bailable flood-control malversation case, ay nasa kustodiya ng NBI.
Tiniyak naman ng NBI na walang VIP treatment na ibibigay kay Abagon.
Nanawagan naman ang NBI sa iba pang nakalalayang mga akusado na sumuko na at huwag nang hintayin na hanapin sila ng mga awtoridad.
Facebook Comments









