Tiniyak ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na tutulungan nito ang Bureau of Correction (BuCor) s sa pagsasagawa ng parallel investigation sa nangyaring pananaksak at pagkakapatay sa isang person deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison kamakalawa.
Tiniyak ito ni Santiago matapos na hilingin ng BuCor ang tulong ng NBI at Philippine National Police (PNP).
Gayunman, sa ngayon aniya ay wala pa silang natatanggap na sulat mula sa BuCor.
Bukod sa pagkakapatay sa isang PDL , dalawang iba pa ang nasugatan.
Nabatid na apat na PDLs ang sangkot sa nangyaring kaguluhan sa bilibid kahapon.
Facebook Comments