NBI, umaasang dadalo pa rin sa kanilang imbitasyon sa December 11 si VP Sara Duterte

Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago na nakatanggap din sila ng impormasyon hinggil sa okasyon sa Office of the Vice President sa December 11.

Ito ay kasabay ng petsa ng imbitasyon ng NBI kay VP Sara kaugnay ng imbestigasyon sa sinasabing death threats daw ng pangalawang pangulo laban kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Director Santiago, umaasa pa rin sila na dadalo si VP Sara dahil alas-10 naman aniya ng umaga ang kanilang imbitasyon, habang alas-11 ang “Pasasalamat Sa Media” ng OVP sa December 11.


Una nang pinadalhan ng NBI ng pangalawang subpoena si VP Sara.

Facebook Comments